NAKAKAMISS.
Hello my blogger. Wala akong magawa kaya naisipan kong mag-blog. HAAAAAAY. Summer 2010 na. Eto na ata ang last summer ko na puro petix lang kasi next year, OJT na. Time flies. 3rd year college na ko. Tas magwwork na. Hindi ko maimagine. K. Wala lang ulet.
Marami lang akong namimiss kasi. Katulad nito, ang pagbblog. Pagbblog na puro about kay John Arigo lang. Halos dati ibblog ko lahat every detail about him. Kung gano ko kasaya pagnakikita ko siya. I know mababaw. Pero masaya. Sa simpleng interaction with him masaya na ko. Manonood ako ng game niya, iccheer ko siya, pupuntang southgate, makakausap siya tas laging may picture. Haha. Ewan ko ba, sa simpleng ganong routine ko nung bata ko, napapasaya na niya ko ng sobra sobra. May something talaga sa kanya na hindi ko ma-explain. Whaat?! HAHA. Oo, seryoso. Minsan mas masaya talaga ang fantasy kesa sa realidad. Kasi kung titignan mo yung realidad minsan wala ka na lang magawa kundi malungkot o umiyak. Tignan mo ngayon, wala na siya. Di na siya naglalaro. Malungkot diba? Oo malungkot nga. Yun ang realidad kaya tanggapin na lang. Kaya minsan nakakamiss rin yung mga kilig moments, yung mga dating ginagawa kong kabaliwan makita lang ang ultimate crush ko. Ohwell. Nakakamiss lang talaga siya. Yun ang point ko. Nakakamiss ang fantasy at ang mala fairytale na storya ng buhay ko. Jk.
Actually hindi lang siya namimiss ko ngayon. May isang tao. Isang tao na akala ko naka-move on na ko. Pero mukang hindi pa talaga. May mga oras na naiisip mo na lang siya, na sana magkasama pa rin kayo hanggang ngayon, na sana ittext ka pa rin niya ng g'morning at g'nyt, yung mga away na nakakaiyak, tapos mauuwi rin sa lambingan. Hay nakakamiss. Sinasabi ko sarili ko na kapag bumalik yung taong yon, I will give US another chance. Pero mukang malabo na mangyari. Wala na rin kaming communication. Saka sa dami ng nangyaring problema namin noon, I doubt na gugustuhin pa niya ko, maging kami man ulit o kahit friends lang. Ewan. Sa ngayon malabo kasi feel ko may iba na siya. Ay hindi ko lang pala feeling yun. OO, may iba na siyang gusto. At feeling niya ata may iba na rin akong gusto. Which is wala naman talaga. Wala lang akong lakas ng loob sabihin sa kanya toh, "Ikaw pa rin naman e. Sana ako na lang ulet." Sige na emo na kung emo. Pero yun talaga nararamdaman ko MINSAN. Oo minsan lang kasi, may mga oras rin naman na naiisip ko yung mga sinasabi niya saken na sobrang nasaktan ako. :( Haaaaaaay. Hindi ko na talaga alam. Pero kung dumating man yung time na magkita kame, o yung time na gusto niya ko kausapin ng matino, game lang ako. Go lang. Ayos lang sakin kahit hanggang friends na lang kahit masakit. Basta maayos lang toh. Tanggap ko na naman na hindi na mababalik yung nakaraan namen. May sarili na kaming buhay ngayon e. Pero hindi ko pa rin maiwasang hindi umasa. Ang hirap mag deny ng tunay mong nararamdamanan e. Pero yun ang realidad. Wag umasa para di na masaktan. I-let go na kasi kung kayo, babalik yan. Pero mahirap eh. HAY. Ano ba to. Nalalabuan na ko sa sarili ko. Alam mo yung feeling na mahal pa kita pero na natatakot na ko? Na baka ganto ganyan. NAkerr. Maybe ang love ay di nga sapat na dahilan para mag stay. Kaya bahala na talaga. Ayoko na. OO ayoko nang umasa. Sana kaya ko. Sana kaya kong pigilan. Malay mo oo, malay mo hindi. Saklap.
O , so kumusta na nga ba ko? Yung tunay na ako? Sa totoo lang, medyo masaya na hindi. May kalungkutan pa rin talaga. Parang laging may kulang. Di ko alam kung ano o sino yon. Damn. Ang ginagawa ko na lang ngayon ay ang magpaka bum sa bahay at lumabas kasama ang mga kaibigan. Ang saya ng summer ko noh? WELL. HINDI SOBRA. Sakto lang. Oo nga masaya ko kasama mga kaibigan ko, pero iba pa rin e. May hinahanap ako na hindi ko alam kung siya ba yon. Ewan. Lagi na lang may kulang. Kahit nung birthday ko. May kulang talaga. Hindi na ko makuntento. Pero natutuwa ako kasi may mga kaibigan ako na isang text mo lang laging andyan para damayan ako. Damayan sa kaboringan, kabaliwan, ka-emohan kahit ang corny na. Sorry na. Ganon na siguro talaga ko. Masayang lumabas, friendly hang outs etc. pero bakit kaya ganon? Hindi ko mapigilan na mag compare kaya nalulungkot ako. TAE. Yun dapat ang gawin ko. Iwasang mag-compare para maka move on na ko. Para maging masaya na ko ng tuluyan at totoo. Para makita ko na yung taong magpapasaya sakin at magmamahal saki talaga. Kelangan kong buksan mga mata ko kasi yung hindi, masstuck ako sa past. Wala akong gagawin kundi ang hanapin ang nakaraan na malabong maibalik. Gaya ng nangyayari ngayon. Tama na. Tigilan na kasi. Madami pa diyan. Oo andami nga nila. Pero.. O yan na naman. Stop comparing. Open your eyes Alen. Grow up. :( HAAAAY. Sige sana kaya ko na talaga ulet. Sana kayanin. Sana. Sana. Sana. Kung ano man yang sana na yan sana magkatotoo. Kbye emoness-in-me.
I confessed:
Tuesday, April 06, 20109:57 PM
|
~*Heiress
*~