Back to "MATA"? / New Year
Hay. Bakit ganon, ang labo ng life pero masaya. Antagal na niyang nawala sa isip ko dahil first year pa ako nun. Tas ngayon, bumabalik na naman pagkaloka ko sa kanya. Kasi ba naman, nakita ko siya sa simbahan, tapos kaharap pa namain siya, syempre wala akong nagawa kundi titigan na naman siya. Eh, anong magagawa ko kung sobrang gwapo pa rin niya? hahaha. Ewan ko ba, eh christmas eve yun tas di lang siya yung nakita ko that time, pati si Dennis Trillo. haha. Anyway, Tas yun, nagnoche buena kame, binuksan mga regalo tapos bigla kong naisipan na i-greet siya ng merry xmas.. tas wala pang one minute nagreply na siya, binati rin ako with matching "godbless.tc" at my smiley pa. wahaha. Ang pinagtataka ko lang, bakit hindi man lang niya tinanong kung sino ako? Ang weird db? Oh baka naman kilala na niya ako? Well, kilala naman niya ako pero hindi naman niya alam number ko eh and yun lang yung first time ko siyang itxt. Ang labo niya talaga. haha. Pero infairness ang saya ko nung christmas kasi nagreply xa at nakita ko pa siya. Hay.. Siguro, namiss ko lang siya kaya ako ganito. haha. Tama na nga sa kalokohan. haha :P
Noong christmas? wala, nagexchane gifts lang kame tas konting sayawan at syempre kainan. Masaya naman kasi puro pera natanggap ko ngayon. Tapos naglaro pa kami ng mga pinsan ko ng basketball at kamusta naman, full court pa? nyahai. sobrang nakakapagod. Di na nga ako marunong maglaro eh. haha. Ngayon ko lang narealize na ang hirap pala maging "ARIGO". Grabeh. Super nakakapagod. Try niyo! haha.
Nga pala, di pa ko nakapagkwento nung 3rd annniv. ng kada, nagkasakit ako kaya di ako nakapagswimming. Pero ayos lang dalawa kame ni Joy na di nagswimming. Masaya kasi puro kame pictorial. Kahit kulang kame dahil wala si Meg at Aka. Ayun,nabankrupt pa nga kami eh pero worth it naman kasi ang saya talaga.
Sa basketball naman, nanalo coke nung last game againts SLR. Sobrang saya ko nun syempre si SUPERJOHN na naman nagpanalo. To the rescue palagi. Hay. miss ko na yun, gusto ko na siya ulit makita after ng napakasayang birthday niya sa moro nun. hehe.
Sa life ko? Eto, busted pa rin ako. Ang sakit kasi ng ulo ko parati, siguro dahil panay TV,Computer at cellphone kaharap ko. Pero mejo maayos na ngayon. Lilipat na nga kami sa January kasi irerenovate 'tong bahay. Mga 3 months kami dun sa lilipatan namin. Hay. Ang hirap kaya nun, hirap mag-adjust. Syempre,dun ako magrereview pag exams na. Wala lang.
Sa school? Eto bakasyon pa kami ngayon, sa January 8 pa pasok ko, kaya chill-chill muna bago maglongtest sa chem at bago magtrigonometry. Goodluck naman skin! haha. Nakakagulat nga dahil nakapasok pa ko sa honor roll eh. Bait talaga ni God. nyaha.
Siguro nagtataka kayo kung bakit tagalog entry ko ngayon noh? Natripan ko lang naman. haha.
Sige, siguro eto na last entry ko for year 2006... basta masasabi ko lang sobrang saya ng year na toh. Promise. d'best talaga. Sana ganun ulit sa 2007. Wala naman akong new year's resolution eh. haha.
Ikaw, ingat ka sa paputok ah? Sabay sabay nating salubungin ang bagong taon!
HAPPY HAPPY NEW YEAR SA INYO!!! :)
Cheers!
I confessed:
Tuesday, December 26, 200611:45 PM
|
~*Heiress
*~